TREE PLANTING 2023

Umabot sa anim na daang (600) seedlings ng calamansi at kasoy ang itinanim ng mga empleyado ng NIA na kinabibilangan ng Region I, NIA-PIMO, kasama ang mga taga Central Office sa isinagawang simultaneous tree planting activity na may temang "Tao, Agrikultura at Kalikasan Para sa Progresibong Kaunlaran" sa Sitio Mapita, Aguilar Pangasinan ngayong araw, Hunyo 30,2023.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapababa ang epekto ng climate change at ito rin ay malaking tulong para sa rehabilitation and protection program ng Dumuloc RIS.

Nagpasalamat din si Engr. De Vera sa Mapita Tribe na pinangungunahan ni Ginoong Rodolfo Mallari sa kanilang kooperasyon sa nasabing aktibidad. Inilahad din ni Engr. De Vera ang magandang plano na makatutulong sa komunidad ng Mapita.

Nagpakita rin ng suporta ang Aguilar Police Station PNP Aguilar kung saan nakiisa rin sa ginawang aktibidad sa pangunguna ni PMAJ Mark Ryan Taminaya kasama sina PSSG Queenjelyn Silao at iba pang mga kasamahan sa kanilang ahensya. Nagbigay naman ng mensahe at pagpapasalamat sina Engr. Gertrudes Viado, PIMO Manager at G. Abelardo H. Angadol, Jr., EWMS-NIA CO.

"Today, hindi lang tayo nagtatanim para buhayin yong kabundukan, kundi mabubuhay din natin yong community dito sa Mapita at eventually mabubuhay narin yong irrigation natin kasi ito talaga yong area na pinagkukuhanan ng tubig.", Engr. Gaudencio M. De Vera, Regional Manager.

#bayaNIAn

#TuloyAngDaloyNIA

#NIA