DISTRIBUTION OF WATER PUMPS IN 4TH DISTRICT

- February 9, 2024

MALUGOD na tinanggap ng aabot sa tatlumpot pito (37) na mga Irrigators Associations mula sa ika-apat na distrito ng Pangasinan ang aabot sa animnaput isa (61) na mga water pumps para sa janilang asosasyon matapos maisagawa ang distribution nito sa Bonuan Binloc, Dagupan City.

Nanguna sa distribusyon ng mga ito sina 4th District Congressman Christopher De Venecia kasama si Manay Gina De Venecia, NIA-Pangasinan Acting Division Manager Engr. John N. Molano, at Agno-Sinocalan Chief Engr. Cipriano Y. Yabut.

Sa naging mensahe ni Engr. Molano na asahan umano ang pagtulong ng ahensiya sa mga magsasaka at bilang mga benepisyaryo ay paka ingatan ang mga ito magamit ng matagal.

Siniguro naman ni Cong. De Venecia na patuloy namang palalakasin ang sektor ng agrikultura hindi lamang sa ikaapat na distrito kundi sa buong bansa, patunay umano ang isinusulong nitong panukala sa kongreso.

Batid din naman ang tuwa ng mga nabigyan ng water pumps gaya ni United Anolid Irrigators Association President Ronnie Tanati na nagpapasalamat sa pamunuan ng NIA dahil nakonsidera silang mabigyan ng mga gamit para sa pagpapatubig.

Ang mga nabigyan na mga IAs ay ilan sa mga mga validated at vulnerable areas na malaki ang pangangailangan ng mga patubig sa kanilang mga sakahan at isa rin ito sa paghahanda para sa posibleng epekto ng El Niño.

#BagongPilipinas

#NIAGearUp

#bayaNIAn

#TuloyAngDaloyNIA

#NIA